Ex-DOJ Sec. Devanadera, babasahan ng sakdal sa Sandiganbayan

NAKATAKDANG basahan ng sakdal si dating Justice Secretary Agnes Devanadera sa Sandiganbayan dahil sa apat na kasong katiwalian at malversation of public funds.

Ang naturang kaso ay isinampa laban kay Devanadera ng Ombudsman dahil sa pagtanggap umano ng suhol mula sa Special Assestment Fees ng Government Service Insurance System (GSIS).

Kasama sa kinasuhan ng Ombudsman ay sina Assistant Government Corporate Counsel Jose Marie Capili, at dating accountant nitong si Divina Gracia Cruz.

Sangkot sa kaso ang dating Head Executive Assistant ni Devanadera na si Rolando Faller na siyang kinasabwat nito upang magkamal ng salapi na aabot sa P130,000 mula sa GSIS.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply