Ex-kagawad sa Cotabato City itinumba, 5-anyos paslit utas din

PATAY ang isang dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem, habang patay din sa krimen ang isang 5-anyos na bata na tinamaan ng ligaw na bala sa Rosary Heights 7, Cotabato City sa ulat ng awtoridad.

Kinilala ang biktima na si Tony Sapalon, habang ang bata ay si Aldrin Samad.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa lugar nang ratratin ng hindi nakilalang mga suspek na hinala ng pulisya na mga hired killer.

Nadamay naman ang bata nang tamaan ng bala ng baril ng mga tumakas na suspek.

Inaalam na kung may kinalaman sa politika ang motibo sa krimen.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply