Ex-NBI chief: Ebidensya ng DOJ imbento lang

BINUWELTAHAN ng kampo ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula  ang Department of Justice  matapos itong kasuhan ng frustrated murder kabilang ang 12 iba pa.

Ayon  kay Atty. Abraham Espejo, imbento lamang ang batayan sa kasong frustrated murder ng kanyang kliyente at hindi  rin kapani-paniwala ang mga ebidensya at testimonyang  hawak ng NBI at DOJ  dahil hindi nasunod ang tamang proseso.

Ang  kasong frustrated murder na inihain laban kay Gatdula ay kaugnany pa rin sa umanoy pananambang kay NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda noong Pebrero sa Sta.Ana,Maynila.

Kahapon lamang ay inanunsyo ni Justice Secretary Leila de Lima  ang pagsasampa ng kaso laban kay Gatdula.

Kabilang sa kinasuhan sina business tycoon Tyrone Ong; Ricky Dacillo; Gerry Farillon; Jose Maglalang Jr.; Aljun Monticlaros at Alvin Monticlaros; Gino Eustaquio; Alfredo Compoc; Teodoro Abendano.

Pito sa respondent ang nasa ilalim na ng pangangalaga ng NBI.

Nag-ugat ang sigalot sa pagitan nina Gatdula at ni Esmeralda sa pagkakadukot sa isang Japanese national na si Noriyo Ohara na hiningan di umano ng malaking halaga ng mga tauhan ni  dating direktor upang ito sa mapalaya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply