Ex-parak, 1 pa nakitang patay sa Laguna

NATAGPUAN ang bangkay ng isang dating pulis at isa pang lalaki sa loob ng isang kotse sa Biñan, Laguna kaninang madaling araw.

Kinilala ni Biñan police head P/Supt. Leonard Luna, ang isa sa mga biktima na si P01 Arturo Avellano Jr, isang nadismis na miyembro ng Calamba City Police Office, habang ang pangalawang biktima naman ay wala pang pagkakakilanlan.

Wala pang ideya ang Biñan PNP, kung sino ang nagkasa ng karumal-dumal na krimen pero may hinala na ang pagpatay kay Avellano ay may kaugnayan sa kanyang dating trabaho.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang krimen dakong 1:30 ng madaling araw sa Purok 6 sa Barangay Sto. Tomas.

Ayon sa mga residente, bago ang pagkakatuklas sa krimen ay napansin nila ang kotse ni Avellano na alanganing nakaparada sa kanilang lugar.

Hindi naman sila nagkamali dahil nang silipin nila ang loob ng sasakyan ay nakita nila ang dalawang bangkay ng lalaki na kapwa duguan kaya agad ini-report sa pulisya ang nadiskubre.

“May dugo (sila) sa katawan, hindi ma-determine kung tama ng bala o saksak,” pahayag ni Luna.

Huling nakitang buhay si Avellano kagabi na nagpapa-ayos ng kanyang kotse sa Calamba City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply