Ex-wife ni Willie balak pakasalan ni Victor Aliwalas!

MAY bagong show si Victor Aliwalas sa afternoon show ng GMA 7 na ‘Faithfully’ na magsisimula sa June 18 at tinanong namin siya sa tsismis na ikakasal na sila ni Liz Almoro, ex-wife ni Willie Revillame.

“Wala e, no tsismis, I didn’t hear that. People are asking,” bungad niya.

Kumusta naman sila ni Liz?

“Matagal na kami e, almost two years na kami, e,” sagot niya.

“Talagang masaya kami, we get along really well and we’re happy so, siyempre, you know, we wanna eventually work towards that, hopefully in our future plans. The fact that we both mentioned it and want it, it’s a great thing so sana, sana in the Lord’s time,” deklara pa niya.

Annuled na raw si Liz sa kasal nito kay Willie Revillame kaya malaya rin silang magpakasal.

Kailan kaya ‘yun?

“We’ll see, we’ll see. I don’t wanna put a timeline on anything but like I said basta masaya kami and in God’s time when everything’s right, it will happen. Ready ako, so we’ll see.”

Nagkita  na ba sila ni Willie?

“No, no, no. Actually, we were both at the same event a long time ago, a Red Cross event sa Makati Shangri-La, pero iyon lang,” aniya at malayo raw sila sa isa’t isa.

Kumusta naman ang relasyon niya sa six-year old son nina Willie at Liz.

“Actually I tell this to all the press, in fairness to Liz’s son, I don’t really want to discuss it kasi bata pa siya, kawawa naman. But I’ll say this, we get along great and everything’s good.

“Siyempre would we be two years if… di ba?

“That’s all I wanna say about that kasi talagang intimate to my heart pero just to let you know we get along great. Alam nyo po hindi talaga ako showbiz. What we have is a very quiet fun life, you know, just tahimik na life and we cherish that.”

Paano kung makakasalubong niya si Willie?

“Sa totoo lang I wasn’t even in the country when they were together, I moved here 2008.

“I mean past is past, so I can’t really say anything more, so iyon lang, I didn’t even know. Basta masaya kami,” bulalas pa niya.

Tsuk!

-0o0-

KAHIT na busy ang action star na si Robin Padilla sa rami ng kanyang mga paparating na projects, hindi siya kailanman nawalan ng oras para sa asawang si Mariel Rodriguez.

“Yung Sunday, rest day namin yun ni Mariel dati. Pero ngayon kahit linggo nagtatrabaho kami,” pahayag ng aktor. Subalit hindi raw naging problema ang trabaho sa pagitan ng mag-asawa.

Nagpapasalamat pa nga si Robin, o mas kilala sa tawag na Binoe, sa Panginoon sa mga biyayang binibigay sa kanila.

“Tanggapin natin yung mga pagpapala na ibinibigay sa atin,” aniya pa.

Nakatakdang gumawa si Binoe ng pelikula kung saan gaganap siya bilang si Senador Ping Lacson, sa direksiyon ni Direk Romy Suzara. Maliban sa regular na paglabas niya sa TODA Max bilang si Tol, nag-tetape din si Binoe ng teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw kung saan makakasama niya sina Kris Aquino at Anne Curtis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply