Executive ng TV network na-trauma sa lait

BULUNG-BULUNGAN sa bawat presscon ng isang TV network na kakapiranggot lang ang invited na press parati dahil sa pagtitipid ng executive na OPM (Oh, promise me!). Hindi na kasi ito umaapir sa sarili nyang pa-presscon. Kung pupunta man ito, pasilip-silip na lang at ‘di na nagpapakita.

Na-trauma raw kasi ang ehekutibong ito sa mga paniningil ng ilang reporters na in-opm na iimbitahin ngunit hindi naman nangyayari. Infairness sa kanya, gusto naman daw sana nitong mag-invite ng marami-raming manunulat subalit barya-barya lang ang datung na ibinigay sa kanya ng estasyon na luging-lugi na sa mga ginagawang pelikula at sa bagsak na ratings ng mga programa sa telebisyon. Kaya ang pobreng ehekutibo ay nagkakasya na lang sa larong hide-and-seek. Hehehe!

By now, dahil sa tindi ng problemang kinahaharap ng istasyon, baka payat na rin ang matabang executive na ‘to.
Huwag itong mag-alala dahil malapit nang dumating ang tagapagligtas nila. Ito ang aahon sa unti-unti nilang paglubog sa kangkungan.

***

John Prats nilalaglag ang karelasyon

IPAGPALAGAY nating dominante at hindi maganda ang ugali ni Bianca Manalo, hindi pa rin magandang i-break ito ni John Prats na parang walang anomang nangyari. Para syang hindi lalaki sa ginawa nya. Napaka-ungentleman. Pagkatapos paibigin, basta na lang iiwanan?

Nahirapan nga raw mag-decide si Bianca na sagutin sya dahil sa kantyaw ng iba na alanganin ang kanilang sukat, pero dahil sa may naramdaman na rin ang beauty queen-TV host kay John, sinagot nya ito. Pero heto nga, nabiktima sya ng mapaglarong pag-ibig.

Eh, ‘yung pang-iiwan kaya sa ere ng binata kay Rachelle Ann Go, masama rin ba ang ugali nito? Wala syang masabi noon dahil matinong babae ang magaling na singer na ‘to.

Aminin na kasi ni Prats na kapag may nagugustuhan syang bago, itsapwera na ang nauna. Goodbye na. Wala na syang pakialam kung nasaktan nya ito.

***

Kwento ng batang ni-rape sa harap ng ina, isasabuhay sa “MMK”

KUNG para sa karamihan ng babae ay biyaya ang magandang mukha, kabaligtaran ito para sa dalagitang si Nene, na makailang beses na nakaranas ng pang-aabuso mula sa kanyang amain dahil sa kaakit-akit nyang ganda. Abangan ang nakaaantig na kwento ni Nene sa “Maalala Mo Kaya” bukas ng Sabado (Hunyo 2) na pagbibidahan ng dating “Goin’ Bulilit” child star na si Jane Oineza.

Bagama’t paulit-ulit nang hinalay ng kanyang amain, walang mas sasakit pa para sa 15-anyos na si Nene (Jane) nang minsang ang mismong nanay nya ang tumulong upang maisakatuparan ang masamang balak ng kanyang kinakasama. Mabubuo pa ba ang pagkataong winasak ng pang-aabuso? Paano nga ba mahalin ang sarili na mistulang pinagkaitan ng kapalaran?

Kasama ni Jane sa “MMK” episode sina Angel Aquino, Carlos Morales, RS Francisco, Vangie Labalan, Ana Abad Santos, Archie Alemania, Gerald, Jacko Benin, Kyline Alcantara, Liz Alindogan, Jesette Prospero, Minco, at Elaine Quemuel. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Nuel Naval.

Huwag palampasin ang isa na namang markadong family drama bukas ng Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Wansapanataym.” Para sa iba pang updates, mag-log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply