Executives ng Star Cinema ayaw patulan ang orocan na si Manang Cristy Fermin

KUNG ang feeling ni Manang Cristy Fermin ay maaalarma ang mga Top Executive ng Star Cinema sa sunud-sunod na birada niya sa kanyang mga kolum sa mga magaganda at quality films na pinu-produce ng nasabing number one movie outfit, pwes, nagkakamali ang gurang na golden girl dahil unang-una, wala naman itong alam sa kalakaran ng film making dahil ang alam lang nito ay manira ng kapwa at mag-ala balatagtasan sa hindi nagri-rate na Juice-less.

Bakit ba tila galit na galit ito at sour graping sa ABS-CBN na minsa’y nagpala sa kanya? Hindi naman nila kasalanan kung bakit natigbak ka sa The Buzz. It’s all your fault orocanang chaka at oslang TV host. Wala ka na kasing ginawa kundi bantayan ang mga pelikula ng Star Cinema at sira-siraan ang mga ito.

Bakit? Nagpalabas ba sila ng press release na blockbuster ang movie ni Piolo Pascual at Angelica Panganiban na Every Breath You Take? Oo, hindi siya hit na hit pero nakabawi naman sila. Pero rito sa Born To Love You na unang tambalan nina Coco Martin at Angeline Quinto, timbog ka Manang Cristy dahil as of presstime, maganda ang resulta nito sa takilya. Another thing, ano bang alam mo sa film making? Kaya po dumidiskubre ng mga new talent ang Star Cinema at bigyan nila ng break ang mga ito ay para mag-evolve naman ang ating movie industry. And for Angeline na newcomer pa lang at Coco na mas nakilala sa Indie, hindi na talo ang Star Cinema sa naging outcome ng project ng dalawang ito sa box-office. Hay naku! Manang Cristy, ‘yung movie ninyo ni Barbara Luna noong 80’s ang flopsina kung saan gumanap kang extra rito.

‘Di kaya pati ang sequel ng blockbuster movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora & The Temple Of Kyeme ay ipi-predict mo na naman na flop? Hello! Ikaw ba si Madam Auring?

Ngayon pa lang ay sinasabi na naming tiyak na SRO ang lahat ng sinehan na pagtatanghalan ng latest comedy movie ni Eugene with two hunks leading men Dingdong Dantes and Zanjoe Marudo. Palabas na ito sa darating na June 13 sa mahigit 100 Theaters nationwide. Magnganga ka lang gyud!

***

Buduy Comedy Bar sa Marikina pormal nang bubuksan sa publiko sa June 8

SA MGA mahihilig mag-unwind, aba’y sa darating na June 8, try n’yong pumunta at saksihan ang grand opening ng bagong-bagong Buduy Comedy Bar and Restaurant na located sa BMI Bldg. J.P Rizal St., Sto. Nino Marikina City na pag-aari ng kilalang personalidad sa showbiz na si Daddy Rommel Palomares.

At siyempre para higit kayong mag-enjoy sa gabing ito at sa mga succeeding nights, maliban sa magagaling nilang regular gay stand-up comedians, naimbitahan din ni Daddy Rommel na mag-perform ang country’s spiciest sexy group na Mocha na hindi lang dito gumagawa ng pangalan kundi internationally man. Bale last June 4 nagkaroon ng soft-opening ang nabanggit na comedy bar na dinaluhan ng kanyang mga kaibigang celebrity. Kaya para sa inyong relaxing moments, isama na sa listahan ang Buduy Comedy Bar and Resto ni Daddy Rommel P. and for sure, mag-e-enjoy rin kayo sa masasarap na food nila rito. Yum, yum, yum! Gyud

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply