Expired na gamot ibinebenta

SA hirap ng buhay sa panahong ito, marami sa ating mga kababayan na nagkakasakit ang kapamilya subalit nagtitiyaga sa murang gamot bagama’t hindi batid kung talagang epektibo ang mga ito.

Marami kasi ngayon ang nagsulputang botika na pawang nagbibigay ng murang halaga ng mga gamot bagama’t hindi subok kung talagang epektibo ito at hindi naman lahat ay naiinspeksyon ng Department of Health at Food and Drugs Administration.

Ilang residente ng Tambunting sa Sta. Cruz, Maynila ang nagsumbong sa Pakurot na si Bobby Mercado, isang kagawad sa Barangay 373, ang umano’y nagbebenta nang bultuhan ng mga gamot sa mga botika sa ilang lugar sa Maynila na pawang expired na at pinapalitan lang ang label nito ng panibago at nilalagyan ng panibagong expiration date.

Delikado ang bagay na ito kung kaya’t dapat na magsagawa ng imbestigasyon ang mga kinauukulan mula sa DoH, FDA at Department of Interior and Local Government at maging ang Liga ng mga Barangay sa Maynila upang mabatid kung may katotohanan ang akusasyon kay Mercado.

Ayon sa impormante, malaki ang kaugnayan ni Mercado sa naganap na raid sa Tambunting noong nakaraang buwan kung saan naaresto ang kapatid at hipag ni Barangay Chairman Ning Jimenea.

Nagbayad umano ng P300,000 si Mercado sa Philippine Drug Enforcement Agency upang taniman ng droga ang kapatid at hipag ni Jimenea at ilang mga kasamahan ng mga ito.

Nag-ugat ang galit ni Mercado sa umano’y mga ipinahuli niya sa PDEA dahil sa hindi pagre-remit ng benta sa mga expired na gamot habang ang iba nama’y umayaw na sa kanyang operasyon dahil nakokonsensiya na pawang pekeng gamot ang kanilang ibinebenta na posibleng makalason sa sinomang uminom nito.

Saan naman nanggagaling ang mga gamot na ibibenta ni Mercado?

Galing daw ito sa smuggling activity ng nasabing kagawad ng barangay na dating nagsimula ang kabuhayan sa 80 butas ng karera o bookies.

Laking pagtataka ng mga residente sa biglang pagkakaroon ng pera nito gayung wala namang kamag-anak na nagpamana o nasa abroad na nagpapadala ng pera.

Mula sa isang bodega sa Malabon, nagde-deliver ang tatlong van ng tatlong beses sa isang linggo sa Tambunting ng expired na gamot na ibinebenta naman ng ilan sa mga tauhan niya sa nasabing lugar.

Umayaw naman ang mga tauhan ni Mercado sa pagtutulak ng mga pekeng gamot dahil inusig umano ang mga ito ng kanilang konsensiya at takot na makapaminsala ng mga tao sapagkat batid nila na responsibilidad nila sakaling may masamang mangyari sa nakainom ng mga expired na gamot.

Panawagan na rin po kay PDEA director general Undersecretary Jose S. Gutierrez na pakiimbestigahan po kung may katotohanan na may nababayaran po sa inyong mga tauhan.

Malaki po ang respeto ko at ng ating mga mambabasa sa PDEA kaya’t kailangang malinis ang pangalan ng PDEA na pilit nilalagyan ng putik.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal?

oOo

Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply