Falsification raps vs Rama, ibinasura ng korte

DAHIL sa kakulangan ng sapat na ebidensya, dinismis na kaninang umaga ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong falsification of documents na isinampa ni dating actress Nadia Montenegro laban sa talent manager na si Annabelle Rama.

Nauna rito, inakusahan ni Montenegro si Rama ng pamemeke ng kanyang pirma sa management contracts ng kanyang dalawang anak sa isang television network.

Ayon sa reklamo ni Montenegro, na wala siyang pinipirmahang kontrata na nag-aawtorisa kay Rama na maging manager sa  show biz careers ng kanyang mga dalagang anak.

Pero sa isang resolusyon na petsa Hunyo 18,  napansin ni  Assistant City Prosecutor Diovie Macaraig-Calderon na ang pirma ni Montenegro sa sinasabing pinekeng dokumento nang ikumpara sa samples na kanyang isinumite sa korte,  lumalabas na ang pagpirma ay ikinasa ng iisang tao.

Base ito sa resulta ng handwriting analysis na ikinasa ng National Bureau of Investigation sa kahilingan na rin ni Montenegro.

“After a careful consideration of the foregoing, the undersigned finds and so holds that there is no probable cause to charge the respondent Rama with the above mentioned offense,” pahayag ng prosecutor.

Ang reklamong ito ni Montenegro ay isa lamang sa ilan na kanyang isinampa laban sa naturang talent manager.

Nauna rito, kinasuhan niya si Rama ng 14 counts ng libel hinggil sa libelous statements na ikinasa nito laban sa kanyang Twitter account at sa TV interviews.

Nitong nakaraang araw lamang, nag-plead ng not guilty si Rama sa kanyang arraignment sa kasong libelo.

Gayunman, inatasan ng korte ang dalawang partido na sumailalim sa 30-day mediation period sa pag-asa na magkaayos pa sina Montenegro at Rama.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply