Fil-Am Erik Spoelstra, binati ng Malakanyang

IPINARATING ng Malakanyang ang pagbati nito sa Miami Heat head coach na si Filipino-American Erik Spoelstra bunsod ng matagumpay na pagkapanalo ng kanyang team sa National Basketball Association (NBA) championship makaraang talunin ang Oklahoma City Thunder .

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na bagama’t wala silang pinapanigang koponan sa basketball ay ipinaaabot pa rin nila ang kanilang pagbati sa nasabing Fil-Am basketball coach.

“Congratulations to Coach Erik Spoelstra. We did not want to… As I mentioned earlier, we do not take sides but special mention and a very big congratulations to Coach Erik Spoelstra,” ayon kay Usec. Valte.

Malugod namang tinanggap ng Malakanyang ang sinabi ni Spoelstra na nais nitong dalhin sa PIlipinas ang nakuhang NBA trophy.

“That would be good. Maraming fans si ‘Coach Spo’ dito sa Pilipinas that would like to also convey their congratulations and I’m sure a lot of fans will be excited,” ani Valte.

Sa katatapos lamang na tagumpay ng Miami Heat ay masasabing ang 41- taong gulang na si Spoelstra ay ang kauna-unahang Asian-American head coach na nanalo sa NBA championship.

Dahil ditto, binansagan siya ng mga Miami heat fans ng “Heart of the Heat” at labis na ginagalang ng kanyang staff at Miami heat players.

Sa ulat, nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Spoelstra habang off-season ang NBA upang i- promote ang tinatawag na “healthy and active lifestyle” ng mga kabataan sa pamamagitan ng basketball clinics sa tulong ng NBA FIT program.

Matatandaang nag-courtesy call na si Spoelstra kay Pangulong Benigno S. Aquino III noong nakaraang taon sa Malakanyang.

Si Spoelstra ay anak ni Elisa Celino, isang Pinay mula San Pablo, Laguna, at Jon Spoelstra—na isang American of Dutch at Irish na dating isang NBA executive para sa Portland Trail Blazers, Denver Nuggets, Buffalo Brave at New Jersey Nets.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply