Fil-Ger Sieber naka-gold sa Germany Tennis Tourney

NAKABIG ni Filipino-German Marc Sieber ang gold  medal sa men’s singles ng 27th Hofkirchener Tennis Tournament -Cup Troiber 2012 na idinaraos sa Hofkirchen, Germany.

Nakapagtala ang 24-anyos na si Sieber  ng kagila-gilalas na 6-7 (5), 6-4, 6-2 na pagwawagi kontra 5th seed Ivo Klec ng Germany sa kampeonato na higit dalawang oras ding tumagal.

“I was so relaxed in the first set. I got a lot of errors especially in the service line but it didn’t affect my whole game. I was more focused in the second and third sets and finally pull through,” ayon kay Sieber hinggil sa idineliber na apat na double faults sa first set.

May katumbas na premyong 3,250 euros na tumataginting ang kanyang naibulsa mula sa nabanggit na torneo.

Pinahiya muna ni Sieber si Lorenz Ilg ng Germany sa first round, 6-0, 6-1, at iginupo rin niya ang isa pang German na si Stephan Hoiss sa 2nd round, 6-3, 6-0, at pinatalsik sa kontensiyon si 4th pick Marc Meigel sa q’finals, 6-2, 6-1, maging si top seed Dieter Kindlmann ng Germany sa semifinals.

Kauna-unahan itong kampeonato ni Sieber sa singles event ngayong 2012 para mapasama sa silver medalya sa Czech Republic Futures tournament noong Mayo at 2012 Croatia Futures tournament noong Marso.

Aaksiyon si Sieber sa 2012 Furth Challenger sa Germany at daraan sa qualifying round para makapuwesto  sa maindraw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply