Fil-Ger Sieber pasok na sa finals ng 2012 Slovernia F3

NAKALUSOT tungo  sa finals sina Filipino-German Sieber at Steven Moneke ng Germany nang gulatin ang karibal sa semis sa Tkas Tennis Club sa Litija, Slovenia sa 2012 Slovenia F3 Futures tournament.

Itinodo na nina Sieber at Moneke ang lakas sa huling bahagi ng laro para itarak ang 6-3, 6-7 (2), 14-12 panalo kontra kina Blaz Bizjak at Nik Razborsek ng Slovenia sa torneong may basbas ng International Tennis Federation.

MakaHaharap na sunod ng 4th-seeded na sina Sieber at Moneke sina Daniel Garza ng Mexico at Thanas Kokkinakis ng Australia na nagwagi kina top seed Lewis Burton ng Great Britain at Juho Paukku ng Finland, 6-1, 6-4, sa magkahiwalay na semis match.

MakaLalaban sa Halle, Germany nina Filipino-American Treat Conrad Huey at American partner Scott Lipsky sina Michael Kohlmann at Florian Mayer ng Germany sa semis ng 2012 Gerry Weber Open.

Agad umusad sina Kohlmann at Mayer sa semis nang magtala ng walk-over win laban kina seven-time French Open champion Rafael Nadal at Marcel Granollers ng Spain.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply