Fil-Ger Sieber sumungkit ng gold medal sa Mosell open sa Germany

MULING nagpakitang-gilas si Filipino-German Marc Sieber kaya’t nasungkit nito ang gold medal sa Moselle Open $10,000 Internatioanl Tennis Federation (ITF) tournament na idinaos sa Germany.

Sa bendisyon ng 6-4, 6-2, pinahiya ng 24-ayos na si Sieber si Michael Bush para magwagi sa championship round na halos tumagal ng isang oras.

“It was a good win. I was dictating the tempo of the game and it feels good to win tournaments in a row,” ayon kay Sieber na nag-champion din sa sa 27th Hofkirchener Tennis Tournament -Cup Troiber 2012.

Naitakda ni Sieber ang pagtutuos kay Bus sa finals nang madali si 7th seed Jerome Inserillo ng Pransiya.

Natalo muna ni Sieber si Tim Focht ng Germany sa 1st round, nasundan ang pagdale kina Pascal Meis ng Germany sa 2nd round at Matthias Kolbe ng Germany sa q’finals, 6-3, 6-4.

“I was really pumped up. I didn’t drop a single set and it’s a good thing going into the next tournament that I’ll be joining,” ayon kay Sieber.

Ito ang ikalawang kampeonato ni Sieber sa taong ito.

Nagkaroon na siya ng dalawang ginto at dalawang pilak maging ang pagtatapos sa 2nd place sa Czech Republic Futures tournament noong Mayo at 2012 Croatia Futures tournament noong Marso.

Pakay ni Sieber na mapataas ang pwesto sa Association of Tennis Professioals na nasa 415 posisyon.

Sasabak siyang susunod sa ilang malalaking torneo sa Europa maging sa European Circuit sa Lodon, Frankfurt at Paris.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply