Fish vendor itinumba sa lamayan

TODAS ang isang fish vendor makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilang suspek habang naglalaro ng “tong-its” sa pinaglalamayang kapitbahay sa Quezon City ngayong hapon.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente si Rodrigo Dumpang, 34, at tag-No. 50 extension Kalayaan, Barangay Batasan Hills, Quezon City bunga ng tinamong tatlong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Nakuha sa lugar ng insidente ang dalawang basyo ng bala ng kalibre .9mm na baril at isang basyo ng kalibre .45.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Batasan Police Station 6, naganap ang pamamaril dakong 2:00 ngayong hapon sa isang lamayan sa kapitbahay ng biktima sa nasabing lugar.

Sinabi ni Maricel, 26, asawa ng biktima, nakikipaglaro ng tong-its ang kanyang mister sa ilang naglalamay na kapitbahay ng biglang lumapit sa likuran ng biktima ang tatlong kalalakihan at sumunod dito ay umalingawngaw na ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.

Mabilis ding nagpulasan papatakas ang tatlong suspek matapos masiguro na patay na ang biktima.

Blangko pa rin ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang sa biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply