Flashfloods, landslides banta sa Mindanao

PINANGANGAMBAHAN na magkaroon ng pagguho ng lupa at landslides dulot ng malalakas na ulan dala ng shallow low-pressure area na patuloy na nagbabanta sa bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Elvie Eniquez, forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pag-asa), pinaiigting umano ng habagat ang pag-ulan sa mga bahagi ng Luzon at Visayas.

Maraming lugar na, aniya, ang binaha sa Mindanao magmula pa noong Lunes dulot ng malalakas na pag-ulan.

Dalawa na ang inulat na namatay habang isa ang nawawala, ayon na rin sa National Disaster Risk Reduction and Management Council dahil sa naturang pagbaha .

Kahapon ng madaling araw ang SLPA (Shallow Low Pressure Area) ay tinatayang nasa layong 210 km sa silangang bahagi ng Hilagang Mindanao, kahit na patuloy na nakakaapekto ang habagat sa Luzon .

Dahil dito, makakaranas ng pag-uulan sa Hilaga at kanlurang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila  habang ang Mindanao ay makakaranas ng mauulap na papawirin na may kalat na pag-ulan na may posibilidad na magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, ang sinasabing bagyo na papalapit sa Pilipinas ay maaring hindi sumayad sa kalupaan pero patuloy pa rin itong magdadala ng malalakas na ulan at magpalakas ng habagat .ALEX CHING

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply