Flood control projects ng pamahalaan

TAG-ULAN at panahon na naman ng mga bagyo. At kapag dumarating ang panahon na ito, ibig sabihin, panahon din ito ng kalamidad.

Kapag umulan, lalo’t kapag bumagyo, tiyak na may kalamidad na darating dahil sa ganitong panahon, ang kasunod ay mga baha.

At kapag may baha, marami ang masisirang ari-arian, at kapag minalas-malas ay may mga magbubuwis pa ng buhay.

Kaya sa panahon na ito, ang disaster team ng local government units ay aktibo para maiwasan ang masamang dulot ng kalamidad.

Sa bawat pagsapit ng tag-ulan at tag-bagyo, gumagastos ang gobyerno ng daan-daang milyones at kapag minalas ay bilyones pa.

In fairness, may ginagawa naman ang national government para sa pangarap na mabura na ang baha at maiwasan na ang kalamidad.

Pero sa kabila ng kanilang ginagawa, aba’y ‘di pa rin nawawala ang pagbaha at nariyan pa rin ang magastos na panahon ng kalamidad.

Puro drawing lang ang gobyerno, yan ang totoo.

Kung bakit sinasabi nating puro drawing lang ang pamahalaan. Gawin nating halimbawa ang lintik na Camanava flood control.

Sinimulan noong June 2004, ang flood control ay dapat matapos ng June 2007, ayon sa Department of Public Works and Highways.

Pero, dumating ang June 2007, ‘di ito natapos.

At ngayon ay 2012 na, ‘di pa rin ito magamit sa anti-flood control sa Camanava area.

At ngayon ay Hunyo na naman. Tag-ulan na at katunayan ay dalawang bagyo na ang dumating – sina Ambo at Butchoy.

Kamakailan, walang bagyo, malakas na ulan lang ang dumating, kaagad ay bumaha ang maraming lugar sa Malabon at Navotas.

Paano pa kaya kung may bagyo na sinabayan ng malakas na ulan at high-tide, baka lumubog ang buong erya ng Camanava.

Ngayon ay tag-ulan na naman at panahon ng bagyo, sana naman ay tapusin na ng makupad na DPWH ang Camanava flood control.

Kailan pa kikilos ang DPWH na ‘to… kung patay na ang kabayo?

Your excellency President Noynoy Aquino… baka naman kailangan ang utos n’yo para maisakatuparan na ang mga nakabinbin na completion ng mga anti-flood control project sa bansa, partikular ang Camanava flood control.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply