Flying V nagrolbak sa presyo ng krudo

NAGPATUPAD muli ng rollback sa presyo ng krudo ang Flying V kaninang alas-12:01 ng madaling araw.

Nabatid na 60 sentimos kada litrong rollback sa diesel ang pinatupad ng naturang kompanya habang 35 sentimos kada litro naman ang itatapyas sa presyo ng premium at unleaded gasoline.

Ikasiyam na pagbaba na ito ng presyo ng krudo sa kasalukuyang taon.

Bunsod pa rin ito ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply