FOI, RH bill, tiniyak na ipapasa

TINIYAK ni Senate President Juan Ponce Enrile na maipapasa ng Senado ang Freedom of Information (FOI) bill at Reproductive Health bill  sa pagbubukas ng ikatlong regular session ng Kongreso sa Hulyo  22, 2012 kahit mag-adjourn ito ngayong June 7.

Sa interview matapos ng plenary session ng Commission on Appointments, sinabi ni Enrile na bibigyan ng prayoridad ng Senado ang FOI at RH bill upang tuluyan nang maisabatas ang dalawang panukalang kailangan ng bansa.

“Among the priority bills to be deliberated when Congress resume session in July are the FOI bill, the RH bill and the Anti-Trust bill which I authored,” ayon kay Enrile.

Nakatakdang mag-adjourn ang Kongreso sa Hunyo 7, at magbubukas muli sa July 22, 2012.

“Sa FOI bill, gusto namin maipasa kaagad ito kasi gusto namin masaya ang media, kasi gusto namin masaya kayo,” giit ni Enrile na tumutukoy sa miyembro ng media na nagkokober sa Senado.

Ipinaliwanag pa ni Enrile na kaya niya binawi ang kanyang reserbasyon sa interpelasyon sa RH bill upang mapabilis ang pagsasabatas nito.

Pero, tiniyak naman niya na may sarili na siyang desisyon sa panukala ngunit hindi nito ilalantad ang sariling boto.

“Pinabayaan ko na lang para mapadali. Pero ako may sarili na akong boto, pero hindi ko sasabihin sa inyo,” ayon kay Enrile.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply