Forbes: Kristen Stewart ng ‘Twilight Saga’ highest paid Hollywood actress

BATAY sa inilabas na listahan ng Forbes magazine, ang “Twilight Saga” lead actress na si Kristen Stewart ang itinuturing na highest paid actress ngayon sa Hollywood.

Sa nakaraang listahan ng Forbes, si Angelina Jolie ang dating nasa top spot na ngayon ay nalaglag na sa 4th spot.

Sa datos na inilabas ng magazine, kumita si Stewart ng $34.5 million.

Bukod sa pinasikat si Kristen ng Twilight movie series sa pagganap niya bilang Isabella Swan ay dito siya kumita ng malaki. Lalo pang lumaki ang kita ni Stewart sa pelikulang “Snow White and the Huntsman.”

Lumalabas na maaari na ngayong mag-demand ang 22-anyos na aktres ng $12.5 million talent fee sa bawat pelikulang gagawin.

Forbes Top 10 highest paid Hollywood actresses:

1. Kristen Stewart – $34.5 million
2. Cameron Diaz – $34 million
3. Sandra Bullock – $25 million
4. Angelina Jolie – $20 million
5. Charlize Theron – $18 million
6. Julia Roberts – $16 million
7. Sarah Jessica Parker – $15 million
8  Meryl Streep – $12 million
8. Kristen Wiig – $12 million
10. Jennifer Aniston – $11 million

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply