Ford magsasara ng planta sa Laguna

HANGGANG Disyembre 2012 na lang ang itatakbo ng planta ng Ford Group Philippines, sa Sta. Rosa, Laguna.

Ito ang naging pahayag ni Peter Fleet, Ford President for Asia Pacific ang Africa (APA) sa isang maliit na salo-salo sa mga motoring at business media sa Manila Peninsula.

Ayon kay Fleet, tanging ang Ford Escape na lamang ang ginagawa ng kotse ng Ford sa Pilipinas, matapos na ilipat sa Thailand ang assembly ng Focus at Everest.

Matagal na pag-aaral umano ang ginawa ng Ford APA kung paano nila magagamit pa ang planta sa Sta. Rosa Laguna pagkatapos nilang ihinto ang pagbuo ng Ford Escape.

Subalit dahil na rin umano sa katotohang hindi na kaya ng ekonomiya ng bansa ang magpatakbo ng isang automobile assembly plant, wala na silang ibang solusyon sa ngayon kundi ang isara ang planta nila.

Inamin ni Fleet na may 250 katao ang maaaring maapektuhan ang trabaho sa kanilang pagsasara, subalit siniguro niya na ginagawa ng Ford ang lahat upang mailipat ang karamihan sa ibang mga regional offices.

Ang Ford ang American car brand na gumagawa ng Expedition, Focus at Explorer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply