Foreign Azkals players, bibilhin ng PFF

GAGASTOS umano Philippine Football Federation (PFF) para magtatag ng malakas at competitive na team na isasabak para sa AFF Suzuki Cup sa Nobyembre.

Ayon kay PFF president Mariano Araneta na posibleng magbayad ang PFF sa foreign clubs upang mapayagan ng mga ito ang mga miyembro ng Philippine Azkals na naglalaro sa kanila upang makasama ng team na makalaro sa Suzuki Cup.

Ang mga players na nais banggitin ni Araneta ay ang half-Pinoy players na ngayon ay sumasagupa sa European football clubs na sina Stephan Schrock, Jerry Lucena at goal keeper na si Neil Etheridge.

Karapatan kasi ng mga football clubs na kinabibilangan ng mga nasabing players na huwag payagan ang mga ito na makapaglaro para sa Philippine team lalo pa’t ang Suzuki Cup ay gaganapin sa labas ng mga itinakdang FIFA international dates.

Pero para kay Azkals  team manager Dan Palami, sa sandaling hindi  mai-release ng kani-kanilang  mother clubs ang mga nasabing players, inatasan na nito ang coaching staff na gumawa ng kaukulang hakbang para magkaroon ng solusyon ang problema.

Ang mga pangmadaliang solusyon ay magkaroon ng mas maraming mga local-based players sa team at mag-ensayo sila ng mas madalas ng magkakasama.

Bilang bahagi naman ng kanilang gagawing paghahanda,nakatakdang magkaroon ang Azkals ng training camps sa Thailand at Hong Kong para sa kaukulang exposure.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply