Foreign Minister ng Myanmar bibisita sa Pinas

NAKATAKDANG bumisita sa bansa si Myanmar Foreign Minister Wunna Maung Lwin at ang buong delegasyon para sa isasagawang Philippines-Myanmar Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dalawang araw ang magiging pagbisita ni Lwin sa bansa simula sa June 14 hanggang 15.

Sa pagbisita, inaasahan ang pagpapaigting ng ugnayan ng Pilipinas at Myanmar sa larangan ng trade at investment, education, human rights, agriculture, tourism, culture at law enforcement.

Ang pagbisita ay kasunod naman ng makasaysayang pagdalaw sa Myanmar ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario noong Pebrero matapos ang Pro-Democratic Reforms na ipinatupad ni Myanmar President Tein Sein.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply