Frank Chavez, Teddy Boy nominado rin bilang CJ

NADAGDAGAN ang listahan ng mga napapabilang sa posibleng pagpilian ng Judicial and Bar Council bilang Supreme Court Chief Justice.

Ito ay matapos inominate ng isang Manuel Bavierra, isa sa founder ng Whistleblowers Association of the Philippines, si dating Solicitor General Frank Chavez.

Sinabi ni Baviera sa kanyang isinumiteng letter nomination na magagampanan ni Chavez ang tungkulin bilang  punong mahistrado.

Samantala, inirekomenda din ng abugado ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos na si Atty Brigido Dulay si Teddy Boy Locsin na isang dating mambabatas at isang mamamahayag

Si Locsin ang ika-13 na nominado at aplikante sa JBC. Kabilang sa mga nasa listahan na ay sina Jocelyn Esquivel na isang nurse, gayundin sina prosecutor marianito sasondoncillo, retired Judge Manuel Siayngco, Professor Rafael Morales at Atty Nepomuceno Aparis

Nominado rin sina Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares, Solicitor General Francis Jardeleza, Ateneo law Dean Cesar Villanueva, dating UP Law Dean Raul Pangalangan at Atty Katrina Legarda

Samantala, otomatiko namang pasok bilang kandidato ang limang “most senior” Associate Justices ng Supreme Court na sina acting Chief Justice Antonio Carpio, Justices Presbitero Velasco Jr., Teresita Leonardo-De Castro, Arturo Brion at Diosdado Peralta.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply