Pranses natangayan ng P.5-M camera, gadget

DISMAYADO ang isang French national sa kanyang pagbisita sa Pilipinas matapos itong agawan ng dalawang bag na may lamang camera at gadget na nagkakalaahga ng P500,000 habang masayang kumukuha ng larawan sa Bay Walk sa Roxas Boulevard, Maynila, kagabi (Hunyo 15).

Personal na nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS), ang biktimang si Alois Peiffer, 22, sestudyante, tubong France at pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Ermita, Maynila.

Ayon kay SPO1 John Cayetano, imbestigador ng MPD-GAS, sinabi ng biktima na tinatayang nasa edad 40-45 ang isang suspek habang ang isa pa ay nasa edad 25-30 anyos.

Sa pahayag ng biktima, dakong alas-7:30 kagabi nang maganap ang insidente habang kumukuha siya ng larawan sa Bay Walk.

Itinayo umano niya ang kanyang tripod bago nag-pose nang biglang may sumakal sa kanya habang ang isa naman ay kinuha ang dalawa niyang bag na naglalaman ng isa pang kamera, gadget at mga lente saka mabilis na tumakas.

Nakatakda pa sanang magtungo ngayon sa Tagaytay ang biktima upang kumuha ng magagandang tanawin subalit dismaydo siya sa nangyari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply