Fresh milk na kontaminado ng mercury, kinumpiska ng FDA

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang 77 tetra packs ng fresh milk products na mula sa China na hinihinalang kontaminado ng kimikad sa isinagawang raid sa Binondo, Maynila..

Ayon sa FDA, nakatakdang suriin sa laboratoryo upang mabatid kung positibong kontaminado ng mercury ang mga nasamsam na produkto.

Ayon kay Atty. Roland De Veyra, tagapagsalita ng FDA, walang lisensya para makapag-angkat ng milk products mula sa China ang isang bodega sa Binondo, Manila kaya nagduda ang ahensya kung sino ang nagsu-supply sa mga tindahan.

Inihayag pa ni Veyra na bago ibenta ang mga milk products ay dapat rehistrado ang mga ito sa kanilang ahensya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply