Gabinete ni PNoy gustong bumalik sa private sector

MAY ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III ang nagpahayag na ng kanilang hangarin na bumalik sa pribadong sektor.

Hindi naman pinangalanan ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kung sino ang mga ito subalit nagkaisa sa pagsasabing gusto nilang balikan ang mas malaking sahod at benepisyo habang nasa pribadong sektor.

“May ibang Cabinet members, nais bumalik sa private sector. Ang sahod sa gobyerno (maliit) lalo kung ikaw ay successful sa private sector. Mangyayari at mangyayari ang cabinet changes,” ayon kay Lacierda.

Sa kabilang dako, tikom naman ang bibig ng opisyal sa tanong kung naghihintay na lamang ng tamang panahon si Pangulong Aquino para ilagay sa Presidential Management Staff (PMS) si Energy Secretary Jose Rene Almendras.

Pinabulaanan din nito ang ulat na magbibitiw din sa puwesto si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr..

“Walang ganoong information kaming nakuha ngayon,” ang pahayag ni Lacierda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply