Gambling economy ni PNoy haharangin ng simbahan

MARIING tinututulan ng Simbahang Katolika ang pagtatayo ng $1-bilyon na casino sa bansa.

Ayon kina Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Emeritus at Lipa Archbishop Ramon Arguelles, haharangin nila ang naging kasunduan nina Henry Sy ng SM, Macau gambling tycoon Lawrence Ho at Australian national James Packer na magtayo ng 1-billion dollar na casino sa Pilipinas.

Sinabi ng mga Arsobispo na ang pagatatayo ng casino sa Pilipinas ay magdudulot lamang ng graft and corruption, money laundering bukod pa sa sisirain nito ang moralidad ng mga Pilipino.

Ang pagkakaroon anila ng sugal sa bansa ay isang addiction na magbubunga ng kasamaaan sa lipunan at magdudulot ng kultura ng pagnanakaw.

“Itong Aquino government, gusto nilang magkaroon ng “gambling economy” sa Pilipinas. Dadayuhin iyan ng mga hudlooms, mga money launderer. Ang pasugalan ay nag-iimbita ng mga gahaman sa pera.Hindi maganda iyang gambling economy na iniisip nila. Hindi mabuti ang balak na i-legalized mo ang addiction.” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radio Veritas

Tiniyak naman ni Cruz na hindi susuko at titigil ang krusada ng mga lider ng Simbahan laban sa iligal na sugal sa kanilang kampanya para tutulan ang paglaganap ng casino at iba pang iligal na sugal sa bansa.

“Magsasalita kami, hindi kami titigil kahit alam natin na talo tayo pero tingnan natin ang mangyayari. Ako wala akong pinakawalang pangungusap. Sa administrasyong ito, bingi ito at bulag pagdating sa paglaganap ng sugal sa bansa.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply