Game 3: Celtics umiskor sa Heat

MATAPOS ang dalawang kabiguan ay tumikim na rin ng panalo ang Boston Celtics nang kaldagin nila ang Miami Heat, 101-91 sa Game 3 ng NBA Eastern Conference Finals kaninang umaga.

Umarangkada sa loob si Kevin Garnett nang itarak nito ang 24 puntos at 11 rebounds para makadikit ang Celtics sa 2-1 ng kanilang best-of-seven series.

Dikdikan ang labanan sa first canto kung saan gumawa si Heat three-time MVP LeBron James ng 16 puntos subalit nang matamo nito ang ikatlong foul ay lumabas ang pambato ng Miami kaya sinamantala ito ng Celtics.

Natapos ang first period na lamang ang Boston, 30-28 at sa second quarter ay lumobo ito sa 13 puntos, nang mag-init naman si Celtic forward Paul Pierce, 55-42.

Tumapos si Pierce ng 23 points at tig-apat na rebounds at assists habang si Rajon Rondo na isa sa naging dahilan ng kanilang panalo ay gumawa ng 21 markers, 10 assists at anim na boards.

Hanggang third canto ay nanlalamig ang Heat kaya umabot sa 22 ang kalamangan ng Celtics papasok ng fourth period, 85-63.

Umabot pa sa 24 pts. ang nilamang ng Celtics subalit nakahabol ang Heat ng magliyab ito ng 11-0 run.

Nag-init ang Heat subalit hindi si James kaya kahit naibaba pa ng Miami sa walong puntos mula sa tatlong sunod na 3-pointers ni Mike Miller ay naisakatuparan pa rin ng Boston ang kanilang minimithing panalo.

Si Dwyane Wade na naging katuwang sa opensa ni James ay nalagak lang ng 18 puntos at tig-apat na boards at assists habang 14 naman ang inambag ni Mario Chalmers.

Naka-11 puntos naman si Miller.

Ang Game 4 ay gaganapin pa rin sa Boston.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply