Game 7: Sino ang sasampa at sino ang uuwi?

WALANG ideya si LeBron James kung ano ang magagawa niya sa death match game kaya nagpahayag na lang ito ng simpleng mensahe.

”I won’t regret Game 7,” sabi ni reigning NBA MVP James.

Nakatakda bukas ng umaga, (gabi sa Amerika) ang do-or-die game sa pagitan ng Miami Heat at Boston Celtics para malaman kung sino ang susungkit ng titulo sa Eastern Conference.

Tabla ang serye sa 3-3 kung saan ang magkakampeon sa EC ay haharapin ang Oklahoma City Thunder para sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) Finals.

Kampeon ang Thunder sa Western Conference habang nakahirit ng Game 7 ang Heat matapos nilang tambakan ang Celtics, 98-79 sa Game 6.

Kahapon (Hunyo 8, petsa sa Pinas), humarabas si Heat star player James ng 45 puntos, 15 rebounds at limang assists upang saltohin ang Celtics sa binabalak na selebrasyon.

Dahil sa pambihirang laro na ipinakita ni James kahapon ay nakasalalay sa kanya kung saan makararating ang Heat sa season na ito.

Tumikada agad si James ng 30 points sa first half para tapatan ang NBA season high habang ang kanyang 45 pts. na kabuuan ang second-most sa Heat playoff history.

Inaasahan ng Heat at Celtics na magiging mahigpitan ang laban subalit ayon sa mga NBA analyst ay nakalalamang ang Miami kung magagawa ulit ni James ang nilaro niya sa Game 6.

Samantala, ang Game 7 ay gaganapin sa Miami, Florida.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply