Gatas galing China kontaminado ng mercury

TODO-BANTAY ngayon ang Bureau of Customs sa pagpasok sa Pilipinas ng mga produktong gatas na pansanggol mula sa China.

Ito ay kasunod nang pag-recall ng Inner Mongolia Yili Industrial Group sa kanilang mga produktong infant formula na natuklasang kontaminado ng mercury, isang nakalalasong kemikal at lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao.

Batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa, kapag nainom o nakain ang mercury ay maaaring maging sanhi ito ng ilang problema sa kalusugan gaya ng problema sa mata, insomnia, pagkaparalisa at mabagal na pagdebelop ng mga bata.

Ang nasabing kemikal ay maaaring nahalo o humalo sa pagkain ng mga baka sa China o kaya naman ay nakontamina ang gatas sa packaging stage ng proseso nito.

Sa ngayon, inaalam na ng Food and Drugs Administration (FAD) kung may Quan You milk na ibinebenta sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply