Gatas na kontaminado ng mercury wala pa sa Pinas– FDA

WALA pang Quan You Milk na ibinebenta sa bansa.

Ito ang sinabi ng Food and Drugs Administration para kalmahin ang publiko kaugnay sa pagpasok sa bansa ng nasabing gatas na pang-sanggol mula sa China na naiulat na kontaminado ng mercury.

Ayon sa FDA mahigpit ang kanilang pagbabantay katuwang ang Bureau of Customs.

Nagpaalala rin ang FDA sa publiko na maging mapanuri sa pamimili.

Iniulat na ni-recall ng China ang nasabing produkto ng Inner Mongolia Yili Industrial Group nang mabatid nila na kontaminado ng nakalalasong kemila ang gatas.

Ayon sa eksperto, kapag nainom o nakain ang nasabing kemikal ay maaaring maging sanhi ito ng problema sa paningin at pandinig, insomnia,  mabagal na development ng bata at pagkaparalisa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply