Gatdula kinasuhan ng frustrated murder sa pag-ambus kay Esmeralda

KINASUHAN na sa piskalya si dating NBI Director Magtanggol Gatdula kaugnay ng pag-ambush kay NBI deputy Dir. Reynaldo Esmeralda.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, batay sa resulta ng investigation ng NBI, inirekomenda na makasuhan ng frustrated murder, treachery at paggamit ng illegal firearms sina Gatdula, at 12 iba pa na kinabibilangan ng negosyante na si Tyrone Ong na itinuturong mastermind sa krimen, Perecto Villanueva retired police na close-in ni Ong, isang nagngangalang Alfredo, Teodoro Avendano (gunman), Gery Farillon, Jose Maglalang, Gino Eustaquio, Aljun at Alvin Monteclaros (lookouts) at iba pa.

Kabilang naman sa mga complainants sa kaso sina Esmeralda at kapatid na si P03 Nilo Esmeralda.

Sa ngayon, 7 na umano sa mga respondent ang nasa kustodiya ng NBI at nakapagsumite na ng kanilang mga sinumpaang salaysay.

Isa sa mga pinagbatayan sa reklamo ang salaysay ni Villanueva na siyang nagturo kay Ong bilang mastermind sa krimen at nag-uugnay kay Gatdula sa krimen.

Ayon kay Villanueva, madalas niyang makita na nag-uusap sina Gatdula at Ong.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply