Gay consultant ng Dusit Hotel, natagpuang naagnas sa inuupahang kuwarto

TADTAD ng saksak sa katawan ang isang  gay consultant sa Dusit Hotel nang matagpuan ito sa loob ng inuupahang kuwarto sa Sta. Ana, Maynila, iniulat ngayon.

Hinihinalang may tatlo3 hanggang apat na araw nang patay ang biktimang si Hilario Protacio Ojascastro, alyas Barry, Basil at Larry,  ng 167 Valencia St.Layunan, Binangonan, Rizal at nangungupahan sa Rm.C ng 2376 Tejeron St., Sta.Ana, Maynila dahil nasa state of decomposition na ang bangkay nito.

Sa report ni SPO1 Jonathan Moreno, dakong alas 9:20 ng umaga ng madiskubre ang bangkay dahil sa masansang na amoy na nanggagaling sa kanyang kuwarto na inireklamo ni Jennifer Revilla Matoza, kasera ng biktima.

Huli umanong nakita ni Matoza ang biktima noon pang Hunyo 21, ng umaga nang umalis ito ng bahay para pumasok sa trabaho at mula noon ay hindi na niya nakita pang muli.

Agad na tumawag sa DILG hotline 117 si Matoza at inireklamo ang masansang na amoy kung saan nadiskubre ang bangkay ng biktima.

Nagkalat din ang mga damit at gamit ng biktima sa sala at may mga natuyong dugo sa sahig.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa pintuan ng comfort room na nakadapa, naliligo sa sariling dugo at may mga tama ng saksak sa dibdib at mga kamay na nagpapakita ng indikasyon na nakipag-agawan ang biktima sa patalim na hawak ng salarin.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang mga nawala sa biktima at hinala ng pulisya na hindi bababa sa 3 katao ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ,habang inilagak ang bangkay ng biktima sa St. Yvan funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply