Gay nurse kinatay ng papa sa Laguna

SAN PABLO CITY, Laguna- Tinitingnang motibo ngayon ng mga awtoridad ang pagnanakaw sa pagkamatay ng 22-anyos na nurse na pinagsasaksak ng sinasabing karelasyon nito at isa pang kaibigan sa madilim at masukal na bahagi ng Brgy. V-C, lungsod ng San Pablo kagabi.

Nabatid sa report ni P/Supt. Ferdinand de Castro, hepe ng pulisya kay Laguna PNP Provincial Director P/S Supt. Gilbert Cruz, wala nang buhay at tadtad ng saksak nang matagpuan ang biktimang si Reymart Sumiran, binata, taga-Sitio Malabanan, Brgy. Sto. Angel sa lungsod na ito.

Sa follow-up operation ng mga tauhan ni De Castro ay nadakip ang isa sa mga suspek na kinilalang si Daniel Aguilar, 20, walang hanapbuhay, residente ng Brgy. San Roque habang ang kasama nitong si Jefferson Javier, 33, ay patuloy pang pinaghahanap.

Sa imbestigasyon, sinasabing dakong alas-9:00 ng gabi nang may makakitang residente sa nakabulagtang biktima sa bakanteng lote na pag-aari ng isang Edgardo Gamosa Efarca Subdivision, kaya agad itong isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang wala nang buhay ng tuminging manggagamot.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, nabatid na ilang oras bago namataan ang duguang biktima ay dumating ito sa nasabing lugar na may kasamang dalawang lalaki na ang isa ay hinihinalang karelasyon nito.

Ngunit sa hindi malamang dahilan ay biglang nagtalo ang mga ito hanggang sa pagtulungang saksakin ng magkaibigang suspek ang biktima.

Iniwan ng mga suspek ang duguang biktima sa nasabing lugar ngunit makalipas ang ilang oras ay natunton din ang isa sa mga ito sa pamamagitan ng impormasyon mula sa ilang testigo.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang mga posibleng ninakaw sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply