Geneva Cruz ‘di na raw alcoholic

PARANG wrong timing naman dahil kung kailan pa siya hiniwalayan ng kanyang hunky Papa na si KC Montero na napunta na kay Rhian Ramos, saka pa nagbago itong si Geneva Cruz. Yes, say pa ng aming informant na nakausap na- min just recently, nagbago na raw talaga si Geneva at itinigil na nito ang lahat ng kanyang bisyo kasama na ang pag-inom ng alak at sigarilyo.

Compared noon ay clean living na raw ang nasabing singer-actress na sumikat wayback during the 90’s.

Masaya na nga raw ang pamilya ni Geneva at tumino na ito. Ang hindi kagandahang imahe kasi ng singer ang sumira sa career niya.

At sana ngayong inayos na niya ito ay mabigyan naman siya ng chance na magkaroon ng project lalung-lalo na sa kanyang singing career. Kumpara naman sa iba diyan, mahusay namang performer si Geneva, she deserves another break.

Sa kanyang buhay pag-ibig naman, wala pa raw ipinapalit hanggang ngayon ang singer-actress sa kanyang ex-papa na si KC at sila lang ng kanyang anak ngayong si Heaven sa rating karelasyong si Paco Arespachochaga ang magkasama. Paunti-unti ay may ilang raket pa rin naman si Geneva but we have to admit na ‘di pa siya talaga nakababalik sa sirkulasyon. Korak gyud!

***

Batangas Gov. Vilma Santos public servant na ambassadress pa ng Generics Pharmacy

SA PAGTANGGAP niya bilang endorser ng fast growing drug store ng bansa na The Generics Pharmacy na mayroon ng 1,360 branches nationwide at patuloy pa sa pagdami at isama mo pa riyan ang kanyang pagiging public servant bilang Gobernadora ng Batangas, aba’y swak na swak mas marami pang matutulungan ngayon si Gov. Vilma Santos especially ‘yung mga pamilyang walang kakayahan na bumili ng mga mahal na gamot. At ‘yan talaga ang main factor kung bakit tinanggap ni Ate Vi ang nabanggit na endorsement dahil maliban na sa alam niyang mura ang mga gamot sa The Generics Pharmacy at epektibo ito ay madali pang hanapin.

Yes, kahit sa liblib ata na lugar sa Batangas ay mayroon nito. Ang CEO/ President ng The Generics Pharmacy na si Benjamin I. Liuson ang siyang pumiling talaga kay Gov. Vi upang maging celebrity endorser nila at ambassadres na rin nito.

Kung bakit ang Star for All Seasons ang kanyang naging choice ay narito ang naging pahayag ni Sir Benjamin sa harap ng ilang malalapit na entertainment press kay Ate Vi sa ipinatawag nilang presscon at unvieling ng TVC ng sikat na actress-politician na ginanap sa ballroom ng sosyal na Makati Shangri-La Hotel.

Super hanga si Liuson sa credibility at ganda ng image ni Gov. Vi bilang celebrity at public servant. At dagdag pa nito, “Although she is a celebrity, she has endearing and down-to-earth quality that lets her connect with a lot of people, and that makes her very effective in politics too. She also received excellent nods for her personal qualities of being truthful, kind and humble.” He also said that Gov. Santos-Recto has a strong affinity for TGP’s corporate values. “She wholeheartedly believes in what our company offers, which are high quality, safe and effective generic medicines at affordable prices to benefit the most number of Filipino families,” buong pagmamalaki pa nito sa sikat nilang artista at politician endorser.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply