Geo tagging, laban sa graft sa farm to market roads

ISANG proseso na gamit ang makabagong teknolohiya ang gamit ngayon ng Department of Agriculture sa pagpapatupad ng farm-to-market road projects sa Mindanao. Ito ay ang GEO TAGGING na gumagamit ng longitude at latitude coordinates para eksaktong makuha ang lokasyon ng isang proyekto, gaya ng farm-to-market road. Layunin ng paggamit nito ang  maiwasan ang ghost implementation ng isang proyekto dahil sa pagbibigay nito ng mga imahe na aktuwal na kuha sa lokasyon kaya paniguradong walang duplikasyon ng propject.

Sa panayam kay DA Sec. Proceso Alcala, sinabi ng kalihim na ang paggamit ng geotagging ay isang pamamaraan na aprubado ng World Bank at pati ng European Union at Estados Unidos bilang mabisang kasangkapan sa pagmomonitor ng mga proyekto ng pamahalaan. Kasabay nito, lumagda si Sec. Alcala at OIC ARMM Regional Governor Mujiv Hataman sa isang memorandum of agreement na nagtatakda ng pagbibigay ng P510 milyon para tustusan ang mga proyekto gaya ng farm-to-market roads at iba pang proyekto na may kinalaman sa agrikultura ng rehiyon.

Huwag sanang maging ningas-kugon ang pagtulong ng pamahalaan sa mga proyekto sa ARMM para maipakita ang sinseridad ng pagmamalasakit na maiagapay sa kahirapan ang nakararaming bilang ng mga residente na kinabibilangan ng 13 ethno-linguistic groups at iba pang settlers.

=000=

MATAGUMPAY na idinaos ang ARMM LGUs SUMMIT on GOOD GOVERNANCE nitong June 19-20, 2012 kung saan dumalo si PNoy at ilang miyembro ng kanyang gabinete. Sa pangunguna ni Regional Governor Mujiv Hataman, tinalakay sa pagpupulong ang mga rekomendasyon ng mga alkalde at gobernador sa limang probinsya ng ARMM hinggil sa agarang pagpapatupad ng mga proyektong makatutulong sa poverty alleviation.

Nakasaad na P8.5 bilyon ang stimulus funds sa mga nakaprogramang proyekto, ayon kay DILG Sec. Jesse Robredo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply