Geoff atat nang pakasalan si Carla!

KAALIW si Ogie Alcasid na umakting na babae sa bagong show niya sa GMA na ‘Daddy Dearest.’ Dual role siya rito bilang babae at lalaki na magsisimula sa June 11. Hindi naman daw siya nalilito sa papel na ginampanan niya.

Sa kalagitnaan ng presscon, tinawag ng director ng show na si Don Michael Perez si Ogie bilang King of Dramedy.

Sumagot agad si Ogie: “Hindi naman.. Prince lang,” sabay tawanan.

Kasama ni Ogie  sa ‘Daddy Dearest’ sina Jolina Magdangal, Pauleen Luna, JC Tiuseco, Pinky Amador. Sherilyn Reyes. Mike ‘Pekto’ Nacua. Kyle Ocampo at si Milkcah Wynne Nacion.

Samantala, dahil sa rami ng TV shows ni Ogie, hindi niya muna tatanggapin ang offer sa kanya na pang-filmfest.

“Hindi ko na siguro matatanggap yan kasi nahihiya na ako sa pamilya ko,” aniya.

Sinabi niya na nangako siya kay Regine Velasquez na after ng Boy Pick Up: The Movie na opening na sa mga sinehan at I Doo Bidoo Bidoo ay magpapahinga muna siya sa paggawa ng movie.

“I had more offers e, I had to decline it talaga,” bulalas niya.

“E naaano na ako sa asawa ko, e. Nagtatanong na yun ng, ‘Anong oras ka uuwi?’

“In fact starting July I’ll have one day that I’ll spend with family lang, humingi ako ng day-off.

“Probably July, Saturdays.

“Kasi I only have three days to go sa I Doo Bidoo Bidoo,” sey pa niya.

Napag-usapan nila ito ni Regine.

“Oo naman. At ako mismo ang nagkusang sabihin sa asawa ko na, ‘Hon, ano, magre-relax ako ng one day a week para may time ako for you and kay Nate.’

“Siya pa yung nagsasabi na, ‘Kailangan mo bang gawin yun?’

“’Oo, kailangan kong gawin yun kasi nami miss ko kayo, e.’

“Although nakikita ko naman sila araw-araw, umuuwi naman ako roon at nakakapaglaro naman ako kay Nate tuwing umaga, kulang iyon e. Kulang yung bonding namin.”

Feeling raw ni Ogie ay marami na siyang nami-miss sa paglaki ni Baby Nate.

“Marami. Although yung anak ko naman in fairness to me, pag andiyan ako sa akin siya talaga lumalapit, so kumbaga mula nung ipinanganak yung bunso namin I made sure na yung bonding namin kahit hindi ganun kadami e nandun ako. Hindi ako pabayang tatay,” deklara pa niya.

Period!

-0o0-

SERYOSO raw si Geoff Eigenmann na nagsabi kay Michael De Mesa na pakakasalan niya si Carla Abellana.

“Magpaalam din siya sa family ko,” sabay-tawa ni Carla. “Dapat. Hindi, siyempre dapat formally if you have plans of getting married you ask for permission from the family of the girl also, ‘di ba?,” reaksyon niya.

Pero mahabang engagement pa raw ang mangyayari dahil hindi pa siya ready na mag-asawa ngayon at happy pa siya sa trabaho niya lalo’t leading lady siya ngayon ng Primetime show ng GMA-7 na “Makapiling Kang Muli.”

Kailan kaya sila magpapakasal?

“Matagal pa, mga three years pa siguro yan.”

Happy si Carla na nanatili siya sa GMA-7 kahit napabalita noon na mago-ober da bakod siya sa Dos.

“Of course! Very happy. At least makakatulog ako ng maayos gabi-gabi knowing that I am in good hands, that I have regular work.”

Three years ang contract ni Carla sa Kapuso network.

Ano naman ang comment niya sa balitang bilihan between GMA and TV5?

“Nagulat ako the first time I found out na ‘ Aba , puwede palang bilhin ang isang network!’, napakalaking network, ang laki ng worth. But I really don’t know kung anong nangyayari, e. Wala akong alam diyan wala rin akong say riyan.”

“Basta maalagaan kaming lahat na mga artista at mga empleyado, e ‘di iyon lang. Yun lang ang importante ‘di ba, na alaga pa rin ang lahat.” deklara niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply