Geoff ipinaubaya na si Carla kay Richard

MATURED na ang mga role na ginagawa ng magkasintahang Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

Si Carla ay ka-partner ni Richard Gutierrez sa seryeng “Makapiling Kang Muli” ng GMA 7 na magsisimula sa June 4 ng gabi. Si Geoff naman ay nasa afternoon series ng Kapuso network na “Kasalanan Bang Ibigin Ka?” na magsisimula rin sa Monday, June 4, ng hapon. Kasama sina Jackie Rice, Michael De Mesa, Jennica Garcia, Angelika Dela Cruz atbp.

“Oy, ilang taon na si Geoff, no? dapat lang,” reaksyon ni Carla. “Hindi na puwede ‘yung ano na lang..basta-basta. It’s about time na gumawa siya ng matured role,” dagdag pa niya.

“Sabi ko nga nga sa kanya, Geoff ikaw naman ngayon. Tapos na ako riyan,” aniya pa.
Mabuti’t may time pa silang dalawa para sa isa’t isa?

“Nagagawan naman ng paraan na magkita at magsasama. Ako MWF taping ko, si Geoff TTHS pero kapag wala namang eksena, may time na free siya, pupunta siya sa house, magkikita sa set kaya nagagawan ng paraan,” aniya pa.

Ipinakilala ka na niya sa tatay niya?

“Matagal na..nu’ng nagpunta pa lang ako ng California, ‘yung para sa GMA Pinoy TV. Dun ko na-meet si Tito Michael. So, I’m glad that he’s back, he’s acting again at magkasama sila ni Geoff,” natutuwa pa niyang pahayag.

“Cool dad naman kasi si Tito Mic. Lahat naman sila sa family niya, madaling  kasama, parang barkada,” aniya pa.

How true na balak na raw nilang magpakasal ni Geoff?

“Wew! Hindi totoo ‘yan. Mag-ipon muna siya tapos konting work pa,” sagot niya.

Ano ang reaksyon niya nang malaman niyang si Richard Gutierrez ang ka-partner niya?

“No apprehension. My initial reaction is, ‘hay! finally. Sa dinami-rami ng leading men sa industriya, hayan sa wakas makakatrabaho ko na rin siya.”

Hinangad niya na makatrabaho si ‘Chard?

“Oo naman. He’s really at the top of every leading ladies list. Hindi puwedeng hindi mo siya makatrabaho pag leading lady ka. Aspiring ka na makatrabaho siya.”

Masaya naman daw si Geoff na si Richard ang leading man ng girlfriend niya. Matagal na raw silang magkakilala. Primetime show yun at malaking project ito.

‘Yun na!

-0o0-

BUMILIB sa mga song entry na kasali sa A Song Of Praise o ASOP Music Festival ng UNTV ngayong unang linggo ng Hunyo ang panauhing hurado na si Celeste Legaspi. Ayon sa beteranong mang-aawit, napakasarap pakinggan ng apat na kalahok dahil sa ganda ng melodiya nito at hinimok pa nya ang mga kompositor na patuloy na gumawa ng ganoong kalidad na awit.

Sa pangunguna ng dalawang napakagaling na host na sina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda, nagiging kaaliw-aliw ang naturang programa na kauna-unahan ang konsepto sa telebisyon.

Ang kompositor na mauunang magpaparinig ng kanyang obra ay si Rolf Pineda sa awiting Hesus Gamitin Mo Ang Buhay Ko sa interpretasyon ni Mike Chan. (dating miyembro ng grupong ‘Sabado Boys’) Susundan ito ng 2nd time contestant at isang abugado na si Paul Hildawa sa kanyang likhang awit na Tell Me Your Will na aawitin naman ng Viva artist at kapwa kompositor na si Nica del Rosario.

Pangatlo naman si Raymond Banayo sa kanyang nilikha na may titulong I Can Never Find sa rendisyon naman ng OPM Pop Icon na si Gino Padilla.

At panghuli ay si Aubrey Manlangit sa kanyang song entry na Pag-ibig Kong Tunay na aawitin naman ng Teen Idol na si Bryan Homecillo.

Makakasama ni Celeste Legaspi bilang hurado ay mga hitmakers at songwriters par excellence na sina Snafu Rigor and Vehnee Saturno.

Ang ASOP Musical Festival ay tuluy-tuloy lamang sa pagtanggap ng entries at walang deadline ng pagsusumite. Maaring sumali ang lahat maging amateur man, professional o kahit first-time composer pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply