GF na ayaw pa-kiss inutas ng BF

DEAD on the spot ang isang dalaga matapos tagain ng kanyang nobyo na nairita sa kanyang pagtanggi na magpahalik sa Zamboanga City.

Base sa ulat, naganap ang pagpatay kay Cristina Apable Magbanua, 19, sa Sitio Camalig, Barangay Vitali ng nabangit na lungsod.

Agad namang naaresto ang suspek na si Arnel Fernando Calzote na nagtangka pang tumakas matapos isagawa ang krimen.

Sa impormasyong ibinahagi ni P/SrInsp. Joel Tutuh, hepe ng Vitali Police Station, naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang ina nang lapitan ng kanyang kasintahan at tinangkang halikan.

Umiwas ang dalaga dahil na rin sa takot sa kanyang ina ngunit lingid sa kanya ay ikinagalit iyon ng kanyang nobyo. Posible umanong napahiya ang suspek kaya hinugot nito ang dalang itak at pinagtataga ang nobya.
Nagulantang na lamang ang ginang nang makitang inaatake ng taga ang kanyang anak. Wala na itong nagawa kundi ang tumakbo dahil maging siya ay pinagtangkaan ding patayin  ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply