GF ni Daniel laging umiiyak dahil kay Kathryn

MERON daw palang girlfriend na out-of-showbiz si Daniel Padilla. Matagal na raw silang mag-on. Ang namesung ng girl ay Yeng. Ang problema ngayon, nagiging iyakin daw itong syota niya lately dahil kay Kathryn Bernardo.

Ito naman kasing si Kathryn kapag walang taping ng “Princess and I” ay parating ang destinasyon daw nito ay sa Pasig sa bahay ng batang aktor.

Ano ba ‘yan, ang prinsesa na ang dumadalaw sa kanyang kawal? Hahaha!

Anyway, sabi ng source, baka raw hiniwalayan na ni Daniel ang karelasyon n’ya dahil kay Kathryn. In love na rin daw kasi ang binata ni Carla Estrada sa mahal na prinsesa. Hehehe!

Dapat lang makipag-break na si Daniel. Magmumukha siyang two-timer kapag pinatos niya ang dalawang tsiks ng sabay. Isa-isa lang. At hinay-hinay lang dahil bata ka pa naman.

***

Vhong at Angel tuloy-tuloy ang pagsasama

MINAHAL ng publiko ang tambalang Justin at Isabel sa “TODA Max” at ngayon ay dadalhin na sa big screen ang kanilang loveteam sa gagawin nilang comedy film.

Excited si Vhong at inamin nitong malayo pa ang mararating ng team-up nila ni Angel Locsin. “Kami daw ulit ni Angel ang magkakasama doon sa bagong pelikula. Siyempre nagulat ako, kasi pangarap ko din ‘yun,” ayon kay Vhong.

Mahaba-haba na rin ang pagsasama ng dalawa sa weekly comedy show nilang on TV kung saan ginagampanan ni Vhong ang bibo sa kusina na si Justin Bibbo habang si Angel ang kapareha nitong si Isabel Padausdos.

Komportable si Vhong na magiging maayos ang batuhan nila ng linya dahil nasanay na din sila sa pagpapatawa sa naturang sitcom.

Samantala, sa TODA Max, aalis na si Justin papuntang Italy na siya namang todong ikinalungkot ng nobyang si Isabel. Sa airport, makatatanggap si Justin ng isang tawag na ikabibigla ng lahat.

Medyo malulungkot naman si Tol (Robin Padilla) dahil babalik ang ex-boyfriend ni Diane (Valerie Concepcion) na si Andrew na gagampanan ng guest star na si Gerald Anderson.

Tungkol saan kaya ang tawag kay Justin? At ano naman ang papel ng pagbabalik ni Andrew? Abangan ang mga kapana-panabik na pangyayari sa “TODA Max” ngayong Sabado, June 23 sa ABS-CBN.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply