Gilberto Teodoro Jr. nominado sa pagka-CJ

NOMINADO sa nabakanteng posisyon ng napatalsik na si dating Chief Justice Rentao Corona, si dating Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Si Teodoro ay iminungkahi ng isang Atty. Jose Mallari para sa nasabing posisyon.

Sa ngayon umabot na 38 ang nominado sa nasabing posisyon.

Bukod kay Teodoro, kabilang sa mga nadagdag sa listahan ay sina Executive Secretary Ronaldo Zamora (ni-nominate ni dating Senator Rene Saguisag), dating DOH Undersecretary Alex Padilla, Sc Justice Estela Bernabe, Atty. Soledad Cagampang, Teresita Herbosa, Atty. Jose Terre, Vicente-Velasquez, Antonio Villamor (ni-nominate ng isang nagpakilalang Leonardo Da Vinci) at Rey Alejandrino.

Tinanggap din ang nominasyon nina Comelec Commissioner Rene Sarmiento, SC Justice Roberto Abad, Justice Arturo Brion at dating Ateneo Law Dean na si Cesar Villanueva.

Habang nag-decline naman si IBP National Pres. Roan Libarios at nadiskwalipika naman si dating Malabon RTC Judge Florentino Floro, ang huwes na nasibak ng Korte Suprema matapos aminin na isinasangguni niya sa mga kaibigang dwende ang mga inilalabas niyang desisyon sa kanyang sala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply