Ginang arestado sa buy-bust operation sa QC

TINATAYANG aabot sa 50 gramo ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng PDEA Regional Office at National Capital Region Office sa isang ginang matapos ang isinagawang buy bust operation sa harapan ng Roosevelt College, 10th Avenue Cubao, Quezon City, kahapon.

Kinilala ni PDEA RO-NCR. Regional Director Wilkins Villanueva ang nahuling ginang na si Carmila Deocampo, 32, may-asawa, walang trabaho, ng Block 9 , Lot 16 , Magdaon, Promise Land, Muntinlupa City.

Nakuha sa ginang ang naturang shabu na nagkakahalaga ng P230,000, isang unit ng Cherry Mobile  cell phone at boodle money na ginamit  sa operasyon.

Inaalam pa ng PDEA kung ang nakuhang shabu sa ginang ay galing sa loob ng National Bilibid Prison, kung saan nakakulong ang asawa nito na may kasong murder, dahil nakuha rito ang visitors’ ID ng NBP.

Nauna rito, nakipagkasundo ang suspek sa isang poseur buyer ng PDEA hinggil sa bilihan ng shabu sa harapan ng nasabing eskuwelahan saka isinagawa ang operasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply