Ginang binoga, patay sa Malabon

PATAY ang isang ginang matapos barilin ng isang kalugar sa Malabon City kagabi.

Dead on arrival sa Pagamutang Lungsod ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa katawan si Erlinda Sta. Maria, 39 ng Tumares St., Tugatog ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na nakilala lang sa mga alyas na Toteng at Alvin kapwa ng Tugatog ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Lascano St., Tugatog nang barilin ng isa sa mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing pagamutan.

Inaalam na ang motibo sa pamamaril.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply