Ginang gulpi sa manugang na Aleman

PINAGBUHATAN ng kamay at binato pa ng bentilador ang isang ginang ng kanyang German national na manugang sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Kinilala ang nagreklamo na si Josefina Caballero, 52 habang ang inirereklamo ay si Daniel Herman, 50, residente ng bayan ng Sual.

Batay sa report, sinaktan ni Herman si Caballero at binato pa ng electric fan na tumama sa dibdib ng ginang.

Binantaan din ng banyaga ang mga nakasaksing residente sa pananakit sa biktima.

Inaalam pa ngayon ang sanhi ng pananakit ng banyaga sa ginang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply