Ginang inabandona ni mister, nagpakamatay

NAGPATIWAKAL ang isang ginang makaraang layasan ng kanyang mister sa Aklan.

Bangkay na nang matagpuan sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Marivic Alivio, 45-anyos ng Barangay Odiong, Altavas, Aklan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nito dakong alas-7:00 ng kaninang umaga pero naganap ang pagpapakamatay sa pagitan ng alas-2:00 hanggang alas-5:00 ng madaling araw.

Nabatid na nakipagsapalaran sa Metro Manila ang mister ng biktima ngunit simula noon ay hindi na ito nagparamdam.

Sa pag-akalang inabandona na silang mag-ina, lumaklak ang biktima ng pesticide pero nang hindi tumalab ay pinukpok nito ang sariling ulo bago nagsaksak sa sarili.

Nakita sa kuwarto ng biktima ng mga rumespondeng miyembro ng Altavas police at SOCO-Aklan ang isang bote ng pesticide na pinaniniwalaang ininom ng biktima bago minartilyo at sinaksak ang sarili.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung may foul play o sadyang nagpakamatay ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply