Ginang na may problema sa pa-iisip, nagbigti

PATAY na ng matagpuan habang nakabitin ang isang ginang na umanoy may sakit sa pag-iisip matapos itong magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng  hapon sa  Malinta, Valenzuela City

Lawit ang dila at wala ng buhay ang biktimang si Amy Solita, 29, caretaker ng Linas Canteen kanto ng Oreta st at ng Maysan Road, Malinta ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, ganap na ala 1:30 ng hapon ng matagpuang wala ng buhay ang biktima sanhi ng pagkapulapot ng nylon cord sa leeg habang nakatali ang dulo sa kisame ng kanyang kwarto.

Bago madiskubre ang insidente, nakarinig ng malakas na iyak ng anak ng nasawai ang kapibahay na si Lean Janel Santos kaya agad niya itong inalam subalit nagulat na lamang ng makitang nakabitin at wala ng buhay ang biktima.

Agad siyang humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay at ipinaalam sa mga otoridad.

Ayon naman kay Alvin Vista, kinakasama ng biktma, may sakit sa pag iisip ang kanyang asawa .

Patuloy nagsagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad at inaalam kung may naganap na foul play ang pagkamatay ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply