Ginang patay, 5-anyos na anak sugatan sa pamamaril

PATAY ang isang 40-anyos na ginang habang sugatan naman ang limang taong gulang na aak nito matapos dalawang ulit na barilin ng hindi nakilalang suspek sa Binondo, Maynila kaninang tanghali.

Kinilala ang biktimang si Gina Castillo Y Delgado, may-asawa ng Gate 14 Area–B Parola Compound, Tondo, Maynila.

Naka-confine naman sa Mary Johnston Hospital ang anak na si Al John Castillo, prep student ng Bright Future Mighty Loving Tykes Creation School sa Binondo, matapos magtamo ng tama ng bala sa kanang kamay.

Batay sa ulat ni Det. Paul Dennis Javier na isinumite kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 11:15 ng tanghali nang maganap ang krimen sa La Suwerte St., sa Binondo.

Sinundo ng ginang ang kanyang anak sa eskwelahan at habang akay-akay nito ang anak ay biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing binaril ng dalawang ulit ang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanang dibdib at sa bandang bahagi ng likuran ang ginang.

Dinala na sa Cruz Funeral Morgue ang labi ng ginag para sa autopsy habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply