Ginang, timbog sa pagnanakaw ng isang latang gatas

DINAMPOT ng mga security personnel ng Puregold, Tuktukan Taguig Branch ang isang balo matapos itong mabisto na nagsilid ng 1,000 grams ng Ensure canned milk sa kanyang baggy short noong Martes ng gabi.

Pinagdudahan ng lady guard na si Glaiza Castillo ang kakaibang sakang na paglalakad ng isang biyuda na nakilala sa pangalang Josephine T. Alvarez, 54, nakatira sa 99 Bronze St., Brgy. Tugatog, Malabon City, kaya niya ito sinita habang papalabas ng naturang supermarket.

Nang magsagawa ng body check ang bantay, natuklasan nito na nakapaloob sa maluwang na salawal ng suspek at iniipit ng kanyang mga hita ang isang branded canned milk.

Dahil sa natuklasan, agad na dinampot ng lady guard ang suspek upang ikulong ito at lapatan ng kaukulang kaso.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong  qualified theft.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply