‘Giyera sa NBA’

DUMATING na ang oras ng pagtutuos ng dalawa sa pinakamagaling ng basketball player sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association.

Ito’y sina LeBron James ng Miami Heat at Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder na maglalaban sa Finals na uumpisahan bukas, Hunyo 13 (petsa sa Pilipinas).

”I think it’s going to be a great match up,” sabi ni Heat guard Dwyane Wade. ”I think it’s going to be two players that’s going to be tough to guard each other, that’s going to have to guard each other.’

Tabla ang head-to-head match up ng Miami at Oklahoma sa regular season habang sina three-time NBA MVP James at three-time scoring champion Durant ay dikitan sa kanilang individual competition.

Subalit para kay Durant ay labanan ito ng dalawang malalakas ng team sa NBA.

Matapos talunin ng Heat ang Boston Celtics sa Game 7 noong Linggo, (Sabado ng gabi sa Amerika) ay naging usapan naang  paghaharap nina James at Durant kaya naman halos lahat ay nanabik na mapanood ang Game 1.

Unang pagkikita ng MVP at scoring champ sa Finals

‘It’s great for the NBA,” ani Heat starter Shane Battier. “I’m excited to see Kevin Durant versus LeBron James. But selfish reasons aside, it’s just a great match up.”

Nanguna si Durant sa scoring sa season na ito na may itinalang 1,850 habang pangalawa si James na may 1,683.

Si James naman ang naging MVP habang segundo sa balota si Durant.

May average si James ng 30.8 points, 9.6 rebounds at 5.1 assists, habang si Durant ay 27.8 points, 7.9 rebounds at 4.2 assists.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply