GM Barbosa kampeon muli sa int’l open chess sa India

FINAL Standings:

8.5 points—GM Oliver Barbosa (Philippines)

8.0 points—GM Nikolai Chadaev (Russia), IM Sahaj Grover (India), GM Hoang Thanh Trang (Hungrary), GM Evgeniy Podolchenko (Belarus), IM Suri Vaibhav (India)

7.5 points—IM Vishnu Prassana V (India), GM Andrei Deviatkin (Russia), IM Das Debashis (India), GM John Paul Gomez (Philippines), GM Aleksej Aleksandrov (Belarus), GM Deepan Chakkaravarthy J (India), IM Ramnath Bhuvanesh R (India)

7.0 points—GM Mark Paragua (Philippines), GM Deep Sengupta (India), Himail Gusain (India), IM Venkatesh MR (India), FM Gosh Diptayan (India), FM Rajesh VAV (India), GM Laxman RR (India), IM Priyadharshan K (India), IM Anita Gara (Hungrary), WGM Meenakshi Subbaraman (India), Arun Karthik R (India)

IPINAKITA muli ni Grandmaster (GM) Oliver Barbosa na isa pa din siya sa Philippines’ top chess player matapos magkampeon sa 4th Odisha International GM Open Chess Tournament na ginanap sa Kiit University sa Bhubaneswar sa Kiit Road, Patia Bhubaneswar sa Odisha, India, Martes ng gabi.

Ayon kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Prospero “Butch” Pichay Jr., ang kanyang alaga na si Barbosa ay giniba ang dating solo leader na si Russian GM Nikolai Chadaev sa eight round kasunod ng pagtulak ng magkasunod na tabla tungo sa titulo.

“Krucial y’ung pagkapanalo ni GM (Oliver) Barbosa kay GM (Nikolai) Chadaev sa eight round. Turning point din yun kasi solo lead yung Russian Grandmaster eh at dun niya nakuha yung liderato,” sabi ni Pichay, dating mambabatas mula sa Surigao del Sur na nakatutok ng live na laro sa torneong ito mula sa Internet.

“Saka y’ung seventh round na panalo niya kay Uzbek GM (Razet) Ziatdinov,” ani Pichay.

Naibulsa ng Taytay, Rizal native Barbosa ang top prize worth Rs 2,00,000 India Rupee (roughly US$3,740 o P160,000) mula sa total pot prize na Rs  11,16000.

Ani naman ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Secretary-General Abraham “Bambol” Tolentino Jr., na nakumpleto ni Barbosa ang 10-round Swiss System “Standard” chess  na may exceptional  score na 8.5/10 (7wins & 3draws) points ay may performance rating na 2648 at pagkubra ng  +14.4 gain sa rating points tungo sa kanyang “Live Rating”na  2575.2  na kulang lamang na  24.8 pts para sa Super GM status (2600+).   Nakamit din niya ang +10.8  rating points sa “Asian Continental Chess (ACC) Championship 2012″ sa Ho Chi Minh, Vietnam nitong Mayo 5 hanggang 13.Tumapos siya ng over-all fifth place sapat para makopo ang fifth at last slot sa World Chess Cup (World Cup) isang integral part ng World Championship Cycle.

” Live Rating na ni GM (Oliver) Barbosa ay 2575.2 base na din sa maganda niyang performance dito sa India at sa nakaraan sa Vietnam. Kumpiyansa ako na matatapos ang taong ito na mabi-break ni GM (Oliver) Barbosa ang 2600 mark,” sabi ni Tolentino, butihing Mayor din ng Tagaytay City.

Sa parte naman ni Barbosa: ” Nagpapasalamat ako sa walang humpay na suporta sa Philippines chess nina NCFP Chairman/President (Prospero) Pichay, Secretary-General (Abraham) Tolentino , PHL Team Manager Atty. (Ruel) Canobas, PSC at POC,” ani Barbosa na nagtala ng 2 consecutive draws kontra kina GM Deep Sengupta ng India sa ninth at penultimate round at IM Sahaj Grover ng India sa tenth at final round, ayon sa pagkakasunod.

Tabla ang kinalabasan ni GM John Paul Gomez kontra kay IM Vishnu Prasanna V  ng India sa final round tungo sa 7.5 points at pagsalo sa 7th hanggang 13th place. Natalo naman si GM Mark Paragua kontra kay GM Hoang Thanh Trang ng Hungrary para mapako sa 7.0 points at mahulog sa 14th hanggang 24th placers.

Ang kampanya ng 3-Philippines GMs  dito sa India ay suportado ng NCFP, PSC at POC kung saan ay muli silang masisilayan sa“5th Mayor’s Cup International Open Chess Tournament Mumbaisa Hunyo 7 hanggang 15 sa Mumbai, India.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply